Brigada Eskwela's BRIGADA PAGBASA Ignites Love for Reading Among TSNHS Learners

BRIGADA PAGBASA, a key literacy component of Brigada Eskwela Program was implemented in our school on the afternoon of June 1, 2026, with the active participation of teachers, learners, parents, barangay officials and volunteer reading advocates.
This initiative aimed to address learners’ reading challenges and to ignite love for reading among learners through guided reading activities.
Reading sessions were facilitated by the Filipino teachers and volunteer readers like Ms. Rowena Tambot, school personnel officer, Ms. Richie Tabor, SPTA acting president, Ms. Rocel Neri, Science teacher, and Honorable Kagawad Consolation Baby Apo, all of whom focused on comprehension exercises and individualized support for learners needing assistance.
Beyond the reading activities, this program served as a meaningful reminder of what can be achieved when the school and community work hand in hand. The smiles and enthusiasm of the learners renewed confidence in their ability to read and comprehend.
With the continued support of stakeholders, Tandang Sora National High School remains committed to nurturing young readers and building a stronger foundation through literacy.
———————————————-
Brigada Pagbasa, Nagpaalab ng Pagmamahal sa Pagbasa sa mga Mag-aaral ng TSNHS
Nakibahagi ang mga guro, magulang, opisyal ng barangay, at mga boluntaryong tagapagtaguyod ng pagbasa sa pagpapatupad ng Brigada Pagbasa sa Tandang Sora National High School (TSNHS) noong Hunyo 1, 2026 bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026 upang palakasin ang kasanayan sa pagbasa at mahikayat ang mga mag-aaral na higit na mahalin ang pagbabasa.
Layunin ng inisyatibong ito na matugunan ang mga hamon sa pagbasa ng mga mag-aaral at higit na mahikayat ang kanilang pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng mga gabay na gawaing pampagbasa.
Pinangunahan ng mga guro sa Filipino at mga boluntaryo ang mga sesyon sa pagbasa, kabilang sina Bb. Rowena Tambot, School Personnel Officer, Gng. Richie Tabor, Pangulo ng SPTA, Gng. Rocel Neri, guro sa Agham, at Kgg. Kagawad Consolation Baby Apo.
Nakatuon ang kanilang mga gawain sa pagpapalawak ng pag-unawa sa binasa at pagbibigay ng indibidwal na gabay sa mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta.
Higit pa sa mga gawaing pagbabasa, nagsilbing mahalagang paalala ang programa kung ano ang maaaring makamit kapag nagtutulungan ang paaralan at komunidad.
Ang mga ngiti at sigla ng mga mag-aaral ay naging patunay ng kanilang lumalakas na kumpiyansa sa kakayahang bumasa at umunawa.
Sa patuloy na suporta ng mga stakeholder, nananatiling matatag ang TSNHS sa adhikaing mahubog ang mga kabataang mambabasa at mapagtibay ang pundasyon ng edukasyon sa pamamagitan ng literasiya.