Orientation for Parents and Learners Sets Direction for the New School Year

Parents’ and Learners’ Orientation was conducted at Tandang Sora National High School, immediately after the Brigada Eskwela Opening Program on June 1, 2026. This was designed to provide essential information on schools’ expectations and key guidelines to ensure that parents and learners are well – prepared for the opening of classes.
Dr. Lorna C. Mendoza, principal, presented DepEd Order 09, s. 2026, or the Guidelines on the Implementation of the Three – Term School Calendar in Basic Education, explaining its essential provisions and how it will be applied during the upcoming school year.
The Head Teachers shared information on the Brigada Pagbasa for Literacy led by Ms. Hermelita C. Nocidal of the Filipino Department and Mr. Lorenzo C. Buenaventura of the Values Education Department discussed the policy on proper attire for learners and parents visiting the school. Other Department Heads facilitated the introduction of the class advisers and subject teachers to the parents, fostering familiarity and communication between them.
The orientation concluded successfully, with participants expressing appreciation for the information shared and to the opportunity to engage with the school community.
 
—————————————————————————
Oryentasyon para sa mga Magulang at Mag-aaral, Isinagawa Bilang Paghahanda sa Bagong Taong Panuruan
Isinagawa ng Tandang Sora National High School (TSNHS) ang Oryentasyon para sa mga magulang at mag-aaral matapos ang Pagbubukas ng Brigada Eskwela noong Hunyo 1, 2026.
Layunin ng gawaing ito na maibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga inaasahan ng paaralan at mga pangunahing alituntunin upang matiyak na handa ang mga magulang at mag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Tinalakay ni Dr. Lorna C. Mendoza, punongguro, ang DepEd Order No. 09, s. 2026 o ang Guidelines on the Implementation of the Three-Term School Calendar in Basic Education.
Ipinaliwanag niya ang mahahalagang probisyon ng kautusan at kung paano ito ipatutupad sa darating na Taong Panuruan 2026–2027.
Nagbahagi rin ang mga puno ng kagawaran ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Brigada Pagbasa para sa pagpapaunlad ng literasiya sa pangunguna ni Gng. Hermelita C. Nocidal ng Kagawaran ng Filipino.
Samantala, tinalakay naman ni G. Lorenzo C. Buenaventura ng Kagawaran ng Values Education ang patakaran sa wastong kasuotan ng mga mag-aaral at mga magulang na bumibisita sa paaralan.
Pinangunahan din ng iba pang mga tagapangulo ng kagawaran ang pagpapakilala sa mga tagapayo ng klase at mga guro sa asignatura sa mga magulang upang mapalakas ang pagkakakilala at komunikasyon sa pagitan ng tahanan at paaralan.
Matagumpay na nagtapos ang oryentasyon kung saan nagpahayag ng pasasalamat ang mga kalahok sa mahahalagang impormasyong kanilang natanggap at sa pagkakataong makilahok at makipag-ugnayan sa komunidad ng paaralan bilang paghahanda sa bagong taong panuruan