SEE MORE ARTICLES
StrongDay2- BRIGADA ESKWELA: Unity in Action, Service with Purpose
Brigada Eskwela continues with teamwork, dedication, and the spirit of bayanihan! The school principal and head teachers joined efforts in painting the school gate as part of the school improvement activities.
On the other hand, teachers, parents, and learners collaborated and actively prepared their classrooms for the upcoming classes and as part of the search for the Most Creative and Conducive Classroom per grade level.
From cleaning and organizing to repairing and improving school facilities, every effort contributes to creating a safe, clean, and welcoming learning environment for our learners.
————————————————————————
Matatag na Ikalawang Araw ng Brigada Eskwela: Pagkakaisa sa Gawain, Paglilingkod na may Layunin
Nagpatuloy ang Brigada Eskwela sa ikalawang araw nito na puno ng pagtutulungan, malasakit, at bayanihan. Nakiisa ang punongguro at mga puno ng kagawaran sa pagpipinta ng gate ng paaralan bilang bahagi ng mga gawaing pagpapaganda at paghahanda para sa nalalapit na pasukan.
Samantala, masiglang nagtulungan ang mga guro, magulang, at mag-aaral sa pag-aayos at paghahanda ng kanilang mga silid-aralan para sa pagbubukas ng klase. Bahagi rin ito ng patimpalak para sa Pinakamalikhain at Pinakaangkop na Silid-Aralan sa bawat baitang.
Mula sa paglilinis at pag-aayos hanggang sa pagkukumpuni at pagpapabuti ng mga pasilidad ng paaralan, bawat ambag malaki man o maliit ay mahalaga sa paglikha ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.
Patuloy na ipinakikita ng komunidad ng paaralan na sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos, mas nagiging handa tayo para sa isang matagumpay at makabuluhang taong panuruan.